MRT AT LRT

MRT AT LRT Maraming Pilipino ang nagdurusa sa araw-araw na mahabang pila sa mga station ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Bahagi na sa buhay ng mga commuters ang isang mahabang pila sa istasyon. Walang magawa ang mga commuters kundi ang tanggapin nalang ang sitwasyon ito. Dahil wala nang mapag pipiliang masakyan patungo sa kanilang trabaho , paaralan at iba pang pupuntahan. Subalit ang iba ay napipilitan nalang na sumakay ng Bus o jeep. Nagtitiis na lang ang mga commuters sa LRT at MRT at umaasa na balang araw ay mai-improve ang serbisyo. "Mainit, siksikan, mahabang pila at pasira-sira" ganito ilarawan ng isang manong ang kanyang byahe bago pumasok sa trabaho. Bukod sa mahabang pila araw-araw, madalas ding masiraan ang mga bagon ng LRT at MRT. Tuwing may problema, umaabot ng higit sa isang oras bago maisaayos ulit. Minsan nasa kalagitnaan ng byahe, titirik ang LRT o MRT. Mapipilitang bumaba at maglakad ang mga commuters sa gitna ng sikat ng araw....